(Janine’s
Point of View)
Salamat
naman at nakasakay din ako. Tatlumpung minuto na yata akong naghihintay ng
masasakyang jeep. First day pa naman,
haggard na kaagad ako. Palibhasa lunes na lunes kung kayat unahan sa pagsakay
ang mga pasahero.
Ang
tagal ko na ngang naghintay, namalas pa ako sa nasakyan ko. Puno na itong jeep,
tigil pa ng tigil para magsakay ng pasahero. Anong akala naman ni manong
driver, lata ng sardinas itong jeep niya? Pang sampuhan lang to ah, bat sumobra
na sa dose ang nakaupo!
Magkano
na ba ang pamasahe ngayon sa jeep? Hindi na ako aware, hindi na kasi ako
nakakanood ng news, ilang price hikes na yata ang nagaganap ng hindi ako
nai-inform. Pero sigurado ako na ang student fare ay may 20% discount. 120.00
per day ang baon na binibigay sa akin. Ok na yun, kaya ko ng pagkasyahin, sanay
naman na ako e.
Kukunin
ko na sana ang aking wallet para magbayad ng pamasahe nang mapansin kong wala
lamang makapal ang bulsa ko. Saan naman kaya mapupunta yun? Panyo lang ang
nandito. Binuksan ko ang bag ko para hanapin yung wallet. Sh*t wala rin dito.
“Naku, nasan na yun!?.....”
Kinapa
ko ulit ng isa pang beses ang bulsa ko para i-make sure kung natangahan ko lang
kapain kanina, pero wala talaga yung wallet ko. Hinanap ko ulit sa bag ko, one
more time, umaasa pa rin ako. Pero wala talaga. Unti unti na akong natataranta.
Alam ko hindi na ako makakababa ng basta basta lang dahil nakalayo na ako mula
sa pinagsakyan kong lugar.
Hindi
ako mapakali at napansin kong unti unti na din akong pinagtitinginan ng mga
pasahero ng jeep sa ikinikilos ko. Kailangan kong mag relax.
Dahil
nga sa nakatingin sa akin ang mga ibang pasahero, nginitian ko na lang sila
para sabihing walang problema. Pero sa isip ko, bwisit na bwisit na ako. Bakit
ngayon ko pa kelangang marasanan to, badtrip naman oh.
“Miss, may problema ba?”
Pano
na to? Wala akong pambayad sa jeep. Kung malasin ka nga naman talaga oh, when
it rains it pours. Una kong naisip na mag one-two-three na lang, mapapatawad
naman siguro ako ni Lord at nung mamang driver kung one time lang lang diba?
Tama!
(*insert evil laugh here) ganun na nga. Hindi naman mapapansin ng driver na
hindi ako nagbayad. Best and only option ko na yun.
Bibilisan
ko na lang bumaba para hindi ako mapansin. (*insert evil laugh again) >:]
At
biglang sumagi nga sa isip ko ang pagkain ko mamaya. Pano na yung miryenda at
tanghalian ko? Hay, bahala na! makakapaghintay naman itong bituka ko. Ang
importante matakasan ko muna itong problemang ito.
Unti
unting bumababa ang mga pasahero ng jeep… sandal lang, pakonti ng pakonti ang
mga pasahero. Pano na to? Kelangan ko lang magrelax, para maisakatuparan ko ang
aking binabalak. Calm down.
Nagulat
ako dahil sa isang iglap, dalawa na lang na lang ang pasahero ng jeep.
Nagsibabaan na ang iba. Anu ba naman tong kamalasan na to.
Feeling
ko naman hindi na ako nahalata ni manong driver. Tumingin ako sa bintana at
nakikinita ko na yung gate ng campus.
“Mama
para po.” ang sabi ng isa pang natirang pasahero.
Ayan
na! Go Janine, alam mo na ang gagawin mo.
Pagkatigil
na pagkatigil ng jeep ay tatakbo na agad ako pababa.
Tomo!
Haha bright girl ko talaga!
Eeeeeeenggggkkkkkshhhhh.
Biglang
tumigil ang jeep sa harap ng campus.
Go!
Mabilis akong tumayo palabas ng jeep.
“Oist!”
isang malakas na boses ang narinig ko galing sa likod. Napalingon ako at nakita
kong nakatingin ang driver a t ang kasama kongpasahero sa akin.
Anu
ba naman, isang hakbang na lang makalusot na ako sa problemang to.
Kahit
gulat ako ay nagawa ko silang ngitian na para bang wala akong kaalam alam sa
nangyayari.
“Hoy
miss, nasaan ang bayad mo? Akala mo makakatakas ka ha.” Sambit nung driver.
0_0
Walang
hiya naman oh, nahalata pa niya yun?
“Ah,
kuya… Ano naman yang sinasabi mo… Heto pa nga ang sukli oh….”
Nagkunwari
akong kumakalkal sa bulsa ko ng barya para mapaniwala si kuya driver.
Ipinasok
ko ang aking kamay sa bulsa at nagkunwaring nagkakalkal ng barya para
mapaniwala siya. Pero hindi pa rin niya ako nilubayan ng tingin. Grrr. Hindi
effective.
“Oh
asan na?” ang tanong muli niya.
Kelangan
kong mag-isip ng solusyon. Mabuti na lang kaunti lang ang sakay nitong jeep,
kung hindi sobra sobrang kahihiyan na ang inabot ko.
“Kuya,
sinabi na ngang nagbayad ako eh. Siguro bagong strategy yan ng mga driver no
para makadami kayo? Asus! Kuya, bumenta na yan sa akin, ginagawa mo pa akong
sinungaling dito eh…” confident kong sinabi sa kanya. Mabuti na lang at medyo
magaling ako sa acting, mababaw lang ang luha ko kaya naman kayang kaya kong
umiyak ngayon. J
“Huhuhu,
kuya…” ang pag iinarte ko habang pinupunasan ko ang kunwari kong luha. “Bakit
naman kayo ganito? Hindi porket isa lang akong hamak na estudiyante eh kaya nyo
na akong ganituhin.”
“Miss…alam
mo naman kung gaano kahirap ang panahon ngayon. Masyado nang mahal ang krudo,
atsaka umaga pa lang, wala pa akong kita. May pamilya din naman ako na
pinapakain, dito lang namin kinukuha ang pangkain at pagpapaaral sa mga anak
ko….”
Aba
kuya, nakikipagmatigasan ka pa sa akin ha. Pagbigyan mo naman na ako, one time
lang. Napapahiya na talaga ako dito. At ano namang tinitingin tingin nitong
lalaking ito at di pa bumababa.
Tinitigan
ko siya habang pinupunasan ko ang luha ko, nang makaisip ako ng isang
napakagandang ideya.
“Hon,
akala ko ba mahal mo ako? Ipagtanggol mo naman ako, hindi ko na kaya to. Bakit
ngayon hndi mo man lang ako kayang maipaglaban? Nung nililigawan mo ako sinabi
mo pa na lahat gagawin mo para sa akin, bakit ngayon?” ang pagdadrama ko saka
ko hinawakan ang braso ng kasama kong pasahero.
Pasensyahan
na lang, kailangan ko lang talagang kapalan ang mukha ko.
Halatang
gulat na gulat tong lalaking katabi ko, pero nagpatuloy pa rin ako sa
pagdadrama ko.
“Hon,
naalala mo ba yung sumpaan natin na hindi natin pababayaan ang isa’t isa? Sa
lahat ng pagkakataon.” pinupunasan ko muli ang aking luha ko habang
nananatiling nakagapos sa kanyang mga braso ang aking kamay. Feel na feel ko na
talaga ang acting kong ito.
“Eh
kasintahan mo naman pala to eh, hindi mo man lang mabayaran ang pamasahe
nya….”ang singit naman ng mamang driver. Hay salamat naman at kumakagat si
kuya.
“Ah
kasi kuya nagkakama…” ang pagsasabat ng lalaking katabi ko, pero bago pa man
niya matapos ang linya niya, uunahan ko na siya.
“Hon,
tama si kuya. Dapat magkaramay tayo sa mga ganitong bagay! Ahuhu.”
Kahit
na natatawa na ako sa loob loob ko ay pinipigil ko pa rin ito. Kailangan kong
galingan pa ang pag-aacting. Kailangan ko nang pangatawanan ang sinimulan ko.
“Anong
klaseng boyfriend ka naman? Hay ang mga kabataan talaga ngayon, hindi ko
maintindihan…” sambit ulit nung driver.
Sa
gulat ng lalaking katabi ko, wala na siyang nagawa at kumuha na lang mula sa
bulsa ng barya at iniabot sa driver.
Tagumpay.
“Thank
You Hon! Napatunayan mo ngayon kung gaano mo talaga ako kamahal.”
Hindi
maitago ang saya ko habang sinasabi ko ang mga linyang iyon.
Lumapit
ako sa kanya atsaka bumulong
“Pasensya
na ha, matinding pangangailangan lang talaga. Thank you, di bale, pag ikaw
naman ang may kailangan, tutulungan kita.
Hehehe.”
Lumayo
ulit ako atsaka nagsalita ng malakas para siguradong marinig nung driver.
“SIGE
HONEY, KITA NA LANG TAYO MAMAYA SA CANTEEN HA?” sabay takbo palabas ng jeep.
Hay,
grabe tong araw na to. Unang araw pa lang ng school year, minalas na ako, buti
na lang at binayaran nung lalaki yung pamasahe ko.
Ano
na nga ulit yung section ko? Na amnesia na yata ako sa mga naganap, matingnan
nga.
***
(Zeke’s
Point of View)
“Hon, akala ko ba mahal mo ako? Ipagtanggol mo naman ako, hindi ko na
kaya to. Bakit ngayon hndi mo man lang ako kayang maipaglaban? Nung nililigawan
mo ako sinabi mo pa na lahat gagawin mo para sa akin, bakit ngayon?”
“Hon, naalala mo ba yung sumpaan natin na hindi natin pababayaan ang
isa’t isa? Sa lahat ng pagkakataon.”
“Thank You Hon! Napatunayan mo ngayon kung gaano mo talaga ako
kamahal.”
“SIGE HONEY, KITA NA LANG TAYO
MAMAYA SA CANTEEN HA?”
Sa
buong buhay ko, ngayon lang ako naka-experience ng ganun.
Hanggang
ngayon hindi pa rin matanggal ang effect sakin, hindi ako maka get-over sa
nangyari. Nananaginip pa rin ba ako?
Sino
kaya yun?
Hay
grabe yun ah.
Sino
kaya yun?
Ngayon
ko lang siya nakita, pero sure akong hindi siya freshman. Baka new student.
Naglalakad
ako papunta sa classroom at hindi ko mapigilang alalahanin ang lahat ng
nangyari. Habang naalala ko iyon, hindi ko mapigilang mapangiti.
J
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento