Ano
pa nga ba ang magagawa ko? I was left with no choice. Ang alam ko lang kailangan
kong gawin to, kailangan kong iwan ang pag-aaral ko dito. Kasama na ang mga
kaibigan ko, itong bahay kung saan ako lumaki, in short kailangan kong iwan
lahat.
Paano
ba naman kasi, kung kelan ako gagraduate saka pa aalis si mama papuntang abroad
para magtrabaho. Hindi ko naman kayang buhayin ang sarili ko mag-isa dito. Kailangan
ko tuloy pumunta kay lola sa probinsya para doon ipagpatuloy ang pag-aaral.
Kahit
naman umangal pa ako, nakapagdesisyon na. Wala na akong magagawa.
Hinatid
ako ni mama papunta kina lola. Tinatahak namin ang kahabaan ng North Luzon
Expressway nang magpagdesisyunan naming tumigil muna sa Shell of Asia para
kumain. Pagkatapos ay patuloy na kaming bumyahe papunta sa La Union.
Nakikita
ko ang dagat mula sa bintana, ang napakadaming puno sa paligid, mga parte ng
palayan sa kabilang parte ng kalsada, tanda na malapit na kami sa patutunguhan
namin.
Sa
haba ng byahe naming ay naisip ko na yata lahat ng posibilidad sa kung ano ang
mga pwedeng mang-yari.
Ilang
saglit lang, nakarating na kames a lugar. Dito na muna ako pansamantalang titira,
dito na din ako gagraduate ng high school. Hindi naman siguro ako masyadong mahihirapan
sa pag-aadjust dahil malapit naman ako kay lola, at dumadalaw na din kami dito
madalas.
Maganda
ang bahay, hindi ganoon kalaki, hindi din naman ganoon kaliit. Wala pa ring
nagbabago since nung last time naming pagbisita dito. Hindi lang si lola ang
makakasama ko dito sa bago kong bahay, dahil kasama din ang masayahin niyang
kasambahay, si ate Pipay.
Next
week na ang first day ng klase,
pakiramdam ko isa akong elementary pupil na sa unang pagkakataon ay papasok sa
paaralan. Kaso hindi lang excitement ang nararamdaman ko. Kinakabahan din ako. Mixed
emotions kumbaga.
Matatanggap
kaya nila ako? May magiging kaibigan kaya ako? Pano na lang kung maging loner
ako? Hindi ko yata kaya yun. Sino kaya ang unang makikilala ko?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento