Syempre
alam naman nating hindi nakukuha ang lahat ng bagay ng basta basta lang,
kelangan din umeffort. Tiis-ganda kumbaga. May mga obstacles ka pang kelangang
malampasan bago ka makarating sa finish line. Parang sa lovelife lang, hindi mo
naman makukuha yung babaeng gusto mo pag hindi mo siya liligawan. Kasi pag
ganun mo lang kadaling nakuha, malamang ganun mo din siya kadaling bitawan.
Well, exemption na lang yung mga masyadong poging makalaglag panty talaga ang
kagwapuhan na sila ang nililigawan.
Numero
unong balakid sa aking pangarap ay pera. Oo, isa ako sa 99% ng mga Pilipinong
araw araw piniprublema ang pera. Pumapangalawa lang yung problema ko kung saan kakain
ng lunch. Iniisip ko pa lang yung tuition fee sa medicine school, dinudugo na
ako. Exclusive pa yung pambayad sa mala-hollowblocks na mga libro at maletang
malaki na kakailanganin mo pagdating ng revalidation.
Pero
kung aking titimbangin, mas madami pa ring dahilan kung bakit gusto kong
i-pursue ang pagiging doctor.
At
isa sa mga rason ay mga med students themselves. Exclusive ang pahayag na to sa
lalaki lamang po. Hayaan mo na muna yung mga babae jan sa tabi. FOR MEN and
X-MEN only. Tama, isali na din sa federasiyon yung mga dating lalaki.
Sa
dalawang taon ko na pagpasok araw araw sa Martin de Pores building, marami rami
na akong nakasabay sa cr este nakakasalamuhang med students. Meron yung:
THE HEAD TURNERS
Tall,
white, oh so handsome. Lahat na yata ng magagandang katangian nasa kanila. Nung
nagpasabog ng best qualities si Lord, sila yung una sa pila, gising na gising
at super alert. Hindi lang tabo o palanggana ang hawak nilang pansalo, kundi
balde, batsa at drum.
Sila
yung mga de-kotse na may effect pa ng pag focus ng spotlight sa kanilang face everytime
na bumaba sa kani- kanilang magagarang sasakyan.
Gwapo
na, mayaman pa. Oha, san ka pa. Life is so unfair nga naman para sa iba.
Pero
take note, dapat laging kang manigurado. Sabi nga nila, sa panahon ngayon…
RULER na lang ang straight. >:]
NAMEPLATES
Sila
yung med students sa pangalan lang. Period. Walang kabakas bakas na sila ay mga
estudyante ng medisina sa ibang aspeto ng buhay. Magugulat ka na lang pag
naka-uniform na sila at masasabi mong: Ohmygolliwow, med student ka pala. Akala
ko kasamahan ka lang ni Paloma nung kumain ako sa Asturias.
CHICKBOY
Chick
na, boy pa. 2-in-1, bakit ka pa maghahanap ng iba. Madami dami nyan sa med
school. May ibang halatang halata, may iba namang pilit na pilit itinatago ang
kalandian. The, closets are for clothes, not for you.
Meron
yung tipong malapit nang sumabog at biceps at triceps sa pag-g-gym sa
kagustuhang makabooking ng machong naggygym din. As they say, gym is the church
for gays. Sila din yung nag-aaya uminom pero konti lang ang iinumin, sip sip
lang. Lalasingin muna ang mga kasama para sa huli… ah uhm, alam na. Iba pala ang
gusto, hindi ang inumin, hindi ang pulutan, yung kainuman.
Para
naman dun sa mga kulang na lang ay maguniporme ng palda, saludo ako sa inyo.
Hala, humayo kayo at magpadami. Spread the virus, este spread the love J
DADDY-O
May
mga estudyanteng batang bata ang mukha, napakakinis, malaporselana ang balat,
fresh. Pero ibang klase ang estudyanteng ito, mukhang tatay na tatay na, hindi
lang ng isa kundi tatay ng lima. Kuya, masyado ka bang nadelay nung high
school? What happened? I’m just curious. O baka naman dala lang yan ng pagiging
over stressed. Tip lang po ha, take a break sometimes… uso din ang mag-ayos ng
sarili. J
F4
Ang
med school nga ng aking pamantasan ay invaded na yata ng mga Kpop at Taiwanese
boy bands. Dahil kahit saan ako tumingin, may mga singkit akong nakikita (hindi
ko lang sure kung nakikita din nila ako). Okay na ako dito kesa naman dun sa
mas naunang category. Madami dami din namang cute sa kanila. Mejo may mga
nahalo lang na mukhang… hindi ko madescribe, sabihin na lang nating, mukha na may
dumplings, este dumplings na may mukha pala.
THE BOOKWORM
Alas
syete nagbukas ng health sciences library. Napakaaga… at hindi ka nagkakamali
sa iniisip mo…
Hindi
sila ang nauuna at nagbubukas ng pinto, syempre yung librarian muna dahil siya
ang may hawak ng susi, ikaw naman, bat mo iisiping sila ang magbubukas. Syempre
sila lang yung pangalawa dun sa pila, sumusunod kay librarian. At kapag uwian
naman. Alam na, second to the last, si kuya janitor kasi yung last, siya kaya yung
naglalock. At wala na nga akong sense. Ang punto ko lang, bakit ka pa magpapa
photocopy kay kuya sa first floor ng library kung meron naman si ate sa second
floor na 50cents lang ang promo? Alam ko kung bakit… kasi bago ka pa makarating
dun, hilong hilo ka na sa hagdan na hindi ko alam kung ba anong naisip ng
naglagay nun at spiral ang napili niya.
PROBLEMATIC
Wala
na yatang ibang bukambibig ang mga ito kundi ang pagrereklamo at pag-aalala na
sila ay hindi papasa sa med school. Mga praning, idinadaan na lang sa pag inom
sa tapsi ang pagkabagabag. E kung mag-aral ka na lang kaya kesa umuorder ka ng
50 pesos na redhorse sa tapsi, edi nakapasa ka pa sa mga quiz mo. Katumbas din
yan ng magnum na gustong gustong bilhin ng mga social climbers. Siguro after 3
months, magiging sensation na din ang pagpopost ng profile picture with their
magnum bought from 7/11. How sossy huh.
Magnum,
akala ko nga condom yun e. Anubayan, nahawa na tuloy ako sa mga ‘to, ako na ang
may malaking problema. Anyway, pwede din silang tawaging CONSISTENTS, consistent
kasi silang nasa last page ng bond paper pagdating ng labasan ng results.
Nakupo, meron nga naman silang dahilan para maging problematic.
MR. NICE GUY
Sila
yung mga mukhang nag-aaral talaga, yung mga mukhang anghel na hindi nakakagawa
ng kasalanan, yung mga madaling nauuto, yung gumagawa ng assignment for the
class. Sila yung una mong nilalapitan pag nawalan ng pera o naubusan ng papel.
Beware.
Yun pala akala mo lang goodie goody, may hidden wildness pala yang mga yan.
RAWR!
CARWASH BOY
Hindi
ko maikakaila na madami talaga akong napapansin sa building na cutie and hot med
guys. Pero hindi ko naman nilalahat ha, baka mamaya akalain mo dahil med
student ka habulin ka na. Wag assuming, nakakasira yan ng buhay. Hindi porket
may kotse ka, astig ka na. One of the boys ka kaya dun sa mga nagcacarwash sa
may Vicente Cruz St.
Pasalamat
ka nakauniform ka, wag ka lang magpapakitang nakapambahay ka, lagot na. Huli ka
balbon!
SPOKENING DOLLARS
Well,
they’re the ones who keep on speekining in English. Oh well. Yeah. That’s
completely right. Yes.
Punyemes,
dinudugo na yung ilong ng kasama mo oh, hindi na makasabay. Magtagalog ka naman.
Nung high school ka ikaw ang best in Filipino, ngayong nagmed ka na at
nakasalamuha ng mga poreyngers, maka-english ka akala mo hindi kumakain ng
bagoong. Pag nasa Clinical Division naman, walang ka namang problema sa
pagtatagalog, in fact makata ka pa nga. Eh bat ngayon, bakit pag nasa corridor
ka kung maka-english naman… Oh Ehm, jaknow that I had this patient a while ago,
and like his sickness was, gosh, eewww. Taena pre, nakakalimutan mo na yatang
lalaki ka ah. -_-
Ano
bang problema mo?!
Wait
lang, parang ang tanong dapat ay, “ANO BANG PROBLEMA KO SA INYO?”
Well, wala naman.
Sana lang wag kitang makitang naka-magnum. Haha.
bhebhe, kaya natin to! sabay tayong gagraduate na may MD sa dulo ng pangalan natin :)
TumugonBurahin