Huwebes, Marso 29, 2012

AN APPLE A DAY KEEPS THE DOCTOR AWAY. BUT IF THE DOCTOR IS CUTE, FORGET THE FRUIT

     Sabi ko nung bata ako gusto kong maging doctor. Hindi ko din alam kung bakit, basta yun ang unang pumasok sa utak ko. Walang pagdadalawang isip, agad agaran. Sa ngayon, isa lang ang masasabi ko sa aking sarili: Nangarap na nga ako, yung mahal pa. Pero sa panahong ito, I can say na malapit lapit ko ng matupad ang pangarap ko. Pero malapit lapit na din akong tamaring mag-aral. Paunahan na lang sila.

     Syempre alam naman nating hindi nakukuha ang lahat ng bagay ng basta basta lang, kelangan din umeffort. Tiis-ganda kumbaga. May mga obstacles ka pang kelangang malampasan bago ka makarating sa finish line. Parang sa lovelife lang, hindi mo naman makukuha yung babaeng gusto mo pag hindi mo siya liligawan. Kasi pag ganun mo lang kadaling nakuha, malamang ganun mo din siya kadaling bitawan. Well, exemption na lang yung mga masyadong poging makalaglag panty talaga ang kagwapuhan na sila ang nililigawan.
Numero unong balakid sa aking pangarap ay pera. Oo, isa ako sa 99% ng mga Pilipinong araw araw piniprublema ang pera. Pumapangalawa lang yung problema ko kung saan kakain ng lunch. Iniisip ko pa lang yung tuition fee sa medicine school, dinudugo na ako. Exclusive pa yung pambayad sa mala-hollowblocks na mga libro at maletang malaki na kakailanganin mo pagdating ng revalidation.

     Pero kung aking titimbangin, mas madami pa ring dahilan kung bakit gusto kong i-pursue ang pagiging doctor.
At isa sa mga rason ay mga med students themselves. Exclusive ang pahayag na to sa lalaki lamang po. Hayaan mo na muna yung mga babae jan sa tabi. FOR MEN and X-MEN only. Tama, isali na din sa federasiyon yung mga dating lalaki.
Sa dalawang taon ko na pagpasok araw araw sa Martin de Pores building, marami rami na akong nakasabay sa cr este nakakasalamuhang med students. Meron yung:


THE HEAD TURNERS
Tall, white, oh so handsome. Lahat na yata ng magagandang katangian nasa kanila. Nung nagpasabog ng best qualities si Lord, sila yung una sa pila, gising na gising at super alert. Hindi lang tabo o palanggana ang hawak nilang pansalo, kundi balde, batsa at drum.
Sila yung mga de-kotse na may effect pa ng pag focus ng spotlight sa kanilang face everytime na bumaba sa kani- kanilang magagarang sasakyan.
Gwapo na, mayaman pa. Oha, san ka pa. Life is so unfair nga naman para sa iba.
Pero take note, dapat laging kang manigurado. Sabi nga nila, sa panahon ngayon… RULER na lang ang straight. >:]

NAMEPLATES
Sila yung med students sa pangalan lang. Period. Walang kabakas bakas na sila ay mga estudyante ng medisina sa ibang aspeto ng buhay. Magugulat ka na lang pag naka-uniform na sila at masasabi mong: Ohmygolliwow, med student ka pala. Akala ko kasamahan ka lang ni Paloma nung kumain ako sa Asturias.

CHICKBOY
Chick na, boy pa. 2-in-1, bakit ka pa maghahanap ng iba. Madami dami nyan sa med school. May ibang halatang halata, may iba namang pilit na pilit itinatago ang kalandian. The, closets are for clothes, not for you.
Meron yung tipong malapit nang sumabog at biceps at triceps sa pag-g-gym sa kagustuhang makabooking ng machong naggygym din. As they say, gym is the church for gays. Sila din yung nag-aaya uminom pero konti lang ang iinumin, sip sip lang. Lalasingin muna ang mga kasama para sa huli… ah uhm, alam na. Iba pala ang gusto, hindi ang inumin, hindi ang pulutan, yung kainuman.
Para naman dun sa mga kulang na lang ay maguniporme ng palda, saludo ako sa inyo. Hala, humayo kayo at magpadami. Spread the virus, este spread the love J

DADDY-O
May mga estudyanteng batang bata ang mukha, napakakinis, malaporselana ang balat, fresh. Pero ibang klase ang estudyanteng ito, mukhang tatay na tatay na, hindi lang ng isa kundi tatay ng lima. Kuya, masyado ka bang nadelay nung high school? What happened? I’m just curious. O baka naman dala lang yan ng pagiging over stressed. Tip lang po ha, take a break sometimes… uso din ang mag-ayos ng sarili. J

F4
Ang med school nga ng aking pamantasan ay invaded na yata ng mga Kpop at Taiwanese boy bands. Dahil kahit saan ako tumingin, may mga singkit akong nakikita (hindi ko lang sure kung nakikita din nila ako). Okay na ako dito kesa naman dun sa mas naunang category. Madami dami din namang cute sa kanila. Mejo may mga nahalo lang na mukhang… hindi ko madescribe, sabihin na lang nating, mukha na may dumplings, este dumplings na may mukha pala.

THE BOOKWORM
Alas syete nagbukas ng health sciences library. Napakaaga… at hindi ka nagkakamali sa iniisip mo…
Hindi sila ang nauuna at nagbubukas ng pinto, syempre yung librarian muna dahil siya ang may hawak ng susi, ikaw naman, bat mo iisiping sila ang magbubukas. Syempre sila lang yung pangalawa dun sa pila, sumusunod kay librarian. At kapag uwian naman. Alam na, second to the last, si kuya janitor kasi yung last, siya kaya yung naglalock. At wala na nga akong sense. Ang punto ko lang, bakit ka pa magpapa photocopy kay kuya sa first floor ng library kung meron naman si ate sa second floor na 50cents lang ang promo? Alam ko kung bakit… kasi bago ka pa makarating dun, hilong hilo ka na sa hagdan na hindi ko alam kung ba anong naisip ng naglagay nun at spiral ang napili niya.   

PROBLEMATIC
Wala na yatang ibang bukambibig ang mga ito kundi ang pagrereklamo at pag-aalala na sila ay hindi papasa sa med school. Mga praning, idinadaan na lang sa pag inom sa tapsi ang pagkabagabag. E kung mag-aral ka na lang kaya kesa umuorder ka ng 50 pesos na redhorse sa tapsi, edi nakapasa ka pa sa mga quiz mo. Katumbas din yan ng magnum na gustong gustong bilhin ng mga social climbers. Siguro after 3 months, magiging sensation na din ang pagpopost ng profile picture with their magnum bought from 7/11. How sossy huh.
Magnum, akala ko nga condom yun e. Anubayan, nahawa na tuloy ako sa mga ‘to, ako na ang may malaking problema. Anyway, pwede din silang tawaging CONSISTENTS, consistent kasi silang nasa last page ng bond paper pagdating ng labasan ng results. Nakupo, meron nga naman silang dahilan para maging problematic.

MR. NICE GUY
Sila yung mga mukhang nag-aaral talaga, yung mga mukhang anghel na hindi nakakagawa ng kasalanan, yung mga madaling nauuto, yung gumagawa ng assignment for the class. Sila yung una mong nilalapitan pag nawalan ng pera o naubusan ng papel.
Beware. Yun pala akala mo lang goodie goody, may hidden wildness pala yang mga yan. RAWR!

CARWASH BOY
Hindi ko maikakaila na madami talaga akong napapansin sa building na cutie and hot med guys. Pero hindi ko naman nilalahat ha, baka mamaya akalain mo dahil med student ka habulin ka na. Wag assuming, nakakasira yan ng buhay. Hindi porket may kotse ka, astig ka na. One of the boys ka kaya dun sa mga nagcacarwash sa may Vicente Cruz St.
Pasalamat ka nakauniform ka, wag ka lang magpapakitang nakapambahay ka, lagot na. Huli ka balbon!

SPOKENING DOLLARS
Well, they’re the ones who keep on speekining in English. Oh well. Yeah. That’s completely right. Yes.
Punyemes, dinudugo na yung ilong ng kasama mo oh, hindi na makasabay. Magtagalog ka naman. Nung high school ka ikaw ang best in Filipino, ngayong nagmed ka na at nakasalamuha ng mga poreyngers, maka-english ka akala mo hindi kumakain ng bagoong. Pag nasa Clinical Division naman, walang ka namang problema sa pagtatagalog, in fact makata ka pa nga. Eh bat ngayon, bakit pag nasa corridor ka kung maka-english naman… Oh Ehm, jaknow that I had this patient a while ago, and like his sickness was, gosh, eewww. Taena pre, nakakalimutan mo na yatang lalaki ka ah. -_-
Ano bang problema mo?!
Wait lang, parang ang tanong dapat ay, “ANO BANG PROBLEMA KO SA INYO?”
Well, wala naman. Sana lang wag kitang makitang naka-magnum. Haha.

1 komento:

  1. bhebhe, kaya natin to! sabay tayong gagraduate na may MD sa dulo ng pangalan natin :)

    TumugonBurahin