Biyernes, Abril 6, 2012

MISSunderstood: Chapter 2



(Zeke’s Point of View)


Bago ako pumunta sa classroom ay dumaan muna ako sa canteen. Hindi na ako nakapagbreakfast pa dahil na-late ako ng gising. Bumili ako ng tubig at isang pack ng hopia. Yun na kasi ang pinakamura. Papunta na ako sa classroom nang makita ko ang mga kabarkada ko. Wala ng pagdadalawang-isip at tumakbo ako papunta sa kung saan sila nagkukwentuhan.


“Oi!” pasigaw kong pagbati sa kanila habang busying busy sa kanilang kwentuhan. Nalingon naman sila agad sa akin, kitang kita ko ang pagkagalak sa kanilang mukha na para bang hindi nila ako nakita ng ilang buwan. E kasama ko lang sila nung isang araw na magbasketball sa may clubhouse ah. Pero iba nga naman talaga yung feeling na pasukan ulit. Parang hindi talaga kayo nagkita ng matagal. Siguro dahil na din sa pagkakataong ito ay nakasuot kami ng uniform ng bago at may dala-dalang bag na wala namang laman. “Anong pinagkaka-abalahan natin jan?”




“Yo! Pre na-late ka yata ah.” ang paunang bati sa akin ni Mario sabay alok ng kanyang signature apir. Ganyan kami sa grupo, hindi nakakaumpisa ng conversation nang hindi inu-offer ang nakagawiang pag-fist. Corny ba? Naksanayan na eh.


“Hindi na kayo nasanay sa ‘kin ah, lagi niyo pa din akong tinatanong.”


“Nanchicks ka na naman siguro bago pumasok.” banat naman ni Luis atsaka tumawa, sinabayan naman siya ng buong grupo.


“Ulul” pangisi ko namang pag-deny. Ganun nga yata talaga ang tingin ng barkada sa akin. Hindi ko din naman sila masisisi sa bagay na iyon. Lapitin ako e, may magagawa ba ako? Hindi ko na idedescribe ang sarili ko, given nay un. ;)


Sa sinabi niyang iyon ay naalala ko ulit ang nangyari kanina sa jeep. J Haha. Kakaiba talaga yung babaeng iyon ah. Hindi ko mapigilang ngumiti habang bumabalik iyon sa isip ko.


“Pre, sa section 2 pala ako, ikaw?” tanong ni Kurt. Anubayan, panira ng moment.


“Ah, uno ako e. hehe” ang sagot ko nang may halong pagyayabang. Hindi ko na lang masyadong inemphasize para hindi nila masamain.


“Oh parehas pala tayo e.” dagdag pa ni Luis. Saka umapir sa akin.


“Pano ba yan mga pre, hindi pala tayo magkakasection. Sa 2 din ako, kame ni Kurt ang magkasama.” ang sabi naman ni Alvin.


Medyo nalungkot din ako ng kaunti dahil nasanay na kaming magkakasama sa classroom, sabay sabay pag nantrip, sama samang nagca-cut ng class, at magkakasamang tinitilian ng mga babae. Patuloy pa rin ang pag-uusap namin nang biglang tumunog yung bell, hudyat na magsisimula na ang flag ceremony. Nagpaalam na kami at nagtungo sa classroom. Kasama ko si Luis at Mario papunta sa classroom namin sa 3rd floor.


(Janine’s Point of View)


         Hinawakan ko ang doorknob ng pinto ng classroom, bago ako pumasok ay nagbuntong hininga muna ako. Isinantabi ko ang lahat ng iniisip ko. Buti na lang at nagawa kong mag-apply ng baby powder kanina kaya hindi ako masyadong mukhang haggard. Binuksan ko ang pinto sabay nagpakawala ng isang simpleng ngiti. Maingay ang loob ng silid at napansin kong malapit ng mapuno ang lahat ng silya. Biglang natahimik ang mga tao nang mapansin nila ako, marahil dahil baguhan ako kaya hindi sila naimik. Kita ko pa ang iba’t ibang expressions sa mga mukha nila. Siguro may ibang nag-iisip na nawawala lang ako at napasok sa ibang classroom. Isinara ko ang pintuan at saka patuloy na naglakad, hindi ko pa rin binibitawan ang aking ngiti. Mejo nahiya ako kaya naman dumiretso ako sa may likuran. May nakita akong bakanteng upuan sa may malapit sa dulo. Pumunta ako doon atsaka umupo. Ibinaba ko ang bag ko at tiningnan ko ang aking magiging katabi. Nakita ko ang isang lalaki, mukhang malalim ang kanyang iniisip. Nakatingin lang sa libro at sa isang box ng chocolate na nakapatong sa silya niya. Maputi, tantsa ko din na may katangkaran siya dahil kahit na nakaupo at mataas pa rin siya, siguro may ibang lahi ito dahil pansin ko ang kanyang pagiging chinito, pero ang higit na nakakuha sa atensyon ko ay ang kanyang napakabangong amoy. Nahiya naman tuloy ako.


Naisip ko na wala namang mawawala pag makikipagkilala ako sa kanya diba, tutal isang taon din naman kami magkakasama.


“Hello, ako si Janine.” ang pasimple kong pagbati sa kanya. Tinignan niya ako, pokerface, mga limang segundo din iyon, atsaka ibinalik ang tingin sa kanyang silya.


         Ayos ah, ako na nga itong nag-initiate na makipagkilala, siya pa ang may ganang umirap. Ang kapal din ng mukha ng taong ito. Akala siguro niya gusto ko siya. Hay naku naman. Pasalamat siya gwapo siya kundi kanina ko pa siya niyakap, ng tali… sa leeg. Grabe talaga, alam ko OA na pero nakakasira talaga siya ng araw. At dahil nga baguhan ako, nagpigil muna ako ng emosiyon.


“Hi, new student ka ba? Ako nga pala si Clarisse.” pagpapakilala ng isang babae sa kanan ko. Mabuti na lang at nagsalita siya kaya nabaling agad ang atensyion ko. Tinignan ko siya at nakita kong nakangiti, naghihintay ng sagot ko. Ngumiti naman ako atsaka nagsalita.


“Hello, I’m Janine. Oo bago lang ako dito, galing ako ng Manila.”


“Wow, Manilena ka pala. Bakit ka lumipat dito?”


“Pupunta kasi ng ibang bansa si mama, kaya naman lumipat ako sa lola ko dito sa probinsya para may kasama ako. Kaya naman dito na ako mag-aaral at magtatapos ng hayskul.”


Nagpatuloy pa kami sa pagkukwento ni Clarisse, manghang mangha siya sa mga kwento ko at natuwa din naman akong kausap siya dahil napakamasayahin niya. Naging magaan agad ang loob ko sa kanya. Habang nag-uusap kame ay biglang tumunog yung bell. As usual, alam ko na agad na mag-i-start na ang mga klase. Biglang bumukas yung pinto, yung adviser na siguro naming iyon.


Napatingin ang lahat at naghanda nang tumayo para batiin ang dumating na teacher. Pero trololol lang pala dahil tatlong mga lalaki lang ang pumasok. Tatlong matatangkad at matitipunong mga lalaki. Unang tingin pa lang alam ko ng mga bully sila. Sa laking bulas ba naman nila, at nagtatawanan pa silang pumasok. May napansin akong nagbubulungan na grupo ng mga babae sa may harapan at hindi maiatago ang kilig sa kanila. May mga lalaki din ang nabigla sa pagdating nung tatlo. Kitang kita ang ngiti sa kanilang mukha. Tila natuwa silang makakasama nila sa klase ang grupo ng mga lalaki. Nakupo, alam na. Parang F4 ang dating ah. Ano naman ba ang espesyal sa kanila? E hindi naman sila sobrang gwapo.


Habang tinitignan ko sila ay napansin kong nakatitig sa direksyon ko yung isa, tumingin ako sa paligid ko para siguraduhing hindi siya sa akin nakatingin. Saka ako ulit tumingin sa kanya. Nakatingin talaga sa akin. Naconcious tuloy ako. May dumi ba ako sa mukha? Hindi ba pantay yung pagkakalagay ko ng pulbo?


Bumalik lang ako sa ulirat at nabigla sa na-realize ko. Shocks, siya yung lalaki sa jeep kanina. Wala na akong nagawa kundi ang ngumiti na lang sa kanya, saglit lang iyon tsaka ko binawi agad at nakipag-usap kay Clarisse. Nagpanggap na lang ako na kunwari’y hindi ko matandaan na siya yung lalaki sa jeep. Ang gulo gulo na, ang daming nangyari ngayong araw na to, isang buong taon pa ako mapapahiya sa lalaking yun, hindi ko naman kasi inakalang magiging classmate ko pa siya, mukhang bully pa naman.


“Oy Zeke, baka matunaw si miss beautiful oh.” Kantiyaw ng isa sa mga tatlong lalaki. Nagulat na lamang ako nang biglang tumingin lahat sa akin ng mga tao. Napalingon ako at napansin kong nakatingin sa akin yung lalaking masungit na katabi ko, na bigla naman binawi iyon saka umirap. “Ayos ah.” Pabulong kong sabi. Namumuro na tong lalaking to. Nakakadalawang irap na sa akin, ano bang problema niya sa mundo? Natigil lang ang buong klase sa pagkantyaw nang bumukas ang pinto at pumasok ang isang babae, hindi naming ito ka-edad at naka civilian clothing kaya nalaman ko agad na isa siya sa mga teacher namin. Hindi nga ako nagkamali, at siya pa ang adviser namin. Matapos niyang magpakilala bilang si Bb. Angel Garcia ay sinimulan niya ang “introduce portion” namin. Sa pagkakatantsa ko ay ako lamang ang bago sa room dahil halos lahat sila ay magkakakilala na at nag-uusap. Okay lang sa akin dahil nasa bandang likuran naman ako kaya hindi masyadong nakakahiya. Ngunit kinabahan ako nang i-announce ni ma’am na tatayo daw sa harapan kung sino man ang magpapakilala. As usual, laging nauuna sa harap. Kaya naman nagkaroon pa ako ng time i-compose hindi lamang ang sasabihin ko kundi pati na rin ang sarili ko. Habang nagpapakilala ang lahat ay pinilit kong pakinggan sila at alalahanin ang kanilang mga pangalan.


Biglang napalundag ang aking puso nang tumayo ang lalaking kasabay ko kanina sa jeep. Nangamba pa ako na baka ikwento niya sa buong klase ang nangyari kanina at ipahiya ako. Kaya naman all eyes and ears akong nakinig sa pagpapakilala niya.


“Hi guys, suguradong kilalang kilala niyo na ako. Alam ko naman yon, at sigurado din akong halos lahat ng kababaihan dito, alam pati ang mga personal things about sa akin…” habang sinasabi niya iyon ay pinapatunayan lang niya sa akin kung gaano talaga siya kahambog. “Pero para sa hindi pa nakakakilala sa akin…” nahiya ako nang bigla siyang tumingin sa akin kaya naman ibinaling ko sa aking desk ang aking tingin. “Ako si Aaron Ezekiel Alonzo, Zeke for short. Athlete ako dito sa campus, varsity player ng basketball, kaya naman madaming nagkakandarapa sa akin…” ay grabe, sobrang yabang talaga niya. Lahat yata ng mga lalaking kaklase ko mahangin. Pero hindi pa pala nagtatapos doon ang speech ng mokong. “Okay lang naman na magkagusto sa akin, at kung nahahabaan ka sa pangalan ko, wala din kaso kung ang gusto mong itawag sa akin ay… HON.” Saka siya nagpakawala ng simple at maiksing halakhak. Na sinabayan naman ng karamihan sa klase. Shet. Nakakahiya na talaga to. Sinabi ko na e, inexpect ko nang mangyayari tio. Inemphasize pa talaga niya yung tinawag ko sa kanya. Pumapalakpak ang lahat pero dahil sa sobrang kahihiyan, pinili ko na lang isubsob ang tingin ko sa desk. Nakatingin lang ako sa upuan ko habang nagpapakilala ang ibang pang mga kaklase, hindi ko na makita kung sino yung nagsasalita pero hinayaan ko na lang. Nag-skip na lang naman ang puso ko nang makita ko mula sa aking peripheral view na tumayo yung lalaking katabi ko. Hindi ko alam pero basta ko na lang itinaas yung ulo ko. Si Mr. masungit. Bigla ko na lang ibinaling sa kanya ang aking tingin na parang may nagsasabi sa akin na kailangan ko siyang pakinggan. Hanggang sa humarap siya at magsimula siyang magsalita.


“Good morning everyone, I’m Cedric Lee Elizalde…” napakalamig ng boses niya, parang ang napakasarap sa tenga. “Pasensya na kayo kung hindi ako masyadong nagsasalita at kung nasusungitan kayo sa akin. Hindi lang talaga ako masalita na tao at hindi lang din talaga maganda ang pakiramdam ko ngayon. Pero feel free to ask me anything kung may kailangan man kayo, hindi naman talaga ako snob.” Bigla siyang ngumiti, feeling ko kahit naka harap siya sa buong klase ay sa akin lang siya nakikiusap nang panahong iyon. Hindi lang dahil sa nakatingin siya sa akin, kundi sa way ng pagsasalita niya at naramdaman ko sa kanyang tingin na tila ay nagpapaliwanag siya sa akin. Naglalakad na siya papalapit at nakatingin pa rin ako sa kanya. Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko pero hindi ko madescribe ang feeling. Parang nakokonsensiya din ako dahil jinudge ko agad siya ng hindi man lang siya kinilala. Sa isang iglap lang ay gumaan na agad ang feeling ko sa kanya, tingin ko din ang bait bait niya, na napakabuti niyang tao. Tumigil siya sa tapat ko at nagsalita ulit. “Ikaw na.”


Ilang seconds din bago nagsink in sa akin yung sinabi niya. Napalundag ako after ko iyon marealize at mabilisang pumunta sa harap. Lahat ng mga tingin at nakasentro sa akin, lahat sila hinihintay na magsalita ako, nakakabingi ang katahimikan. Hindi ko tuloy alam kung paano sisimulan. Dahil hindi ako makapagsalita, minabuti kong ngumiti na lang muna. Saka ko dinugtungan iyon “Hi. Ako si Janine. Janine Domingo. Alam ko namang aware kayong lahat na bago ako dito. Galing ako sa Manila, pero dahil magwowork na ang mama ko abroad, pinili niyang dito na lang ako sa La Union magpatuloy ng pag-aaral…” habang sinasabi ko ang mga ito ay tinitignan ko silang lahat, na nakaconcentrate sa pakikinig sa akin. Hindi ko mapigilang tumingin sa likuran at napansin kong nakatingin siya sa akin, kahit walang expresyon ang knayang mukha, alam kong mas maaliwalas na ito kaysa noong una kong nakita. “So, I’m looking forward to be friends with you all.” Ang aking pagwakas sa pagpapakilala ko, nagpalakpakan ang lahat, sumaya ako dahil na-feel ko ang warmth ng pagwelcome nila sa akin.
“Ako din.” At ako’y napalingon upang tignan kung sino yung nagsalita. Si Ezekiel, at siya’y ngumiti sa akin.

MISSunderstood: Chapter 1
MIIunderstood: Prologue

1 komento: