(Zeke’s Point of View)
Hindi ko na napigilan, bigla na lang
lumabas ang mga salitang yun sa bunganga ko. Masyado akong nadala sa pakikinig
sa kanya, at lahat nga ay napatingin sa akin, may ibang nagtataka, ang iba
naman ay naghihintay ng ibabanat ko dahil inaakalang nantitrip lamang ako.
Nakatingin ako sa kanya, kahit hindi siya nagsalita ay bakas sa mga mata niya
na tila nagtatanong ang mga ito.
“Oh baka matunaw naman ako jan sa titig mo…” nagtawanan
ang lahat nang magsalita ako. “Friendly lang talaga ako, kaya gusto kong
makilala ang lahat, lalo na kung may crush pa siya sa akin.”
Habang
nagkakantsawan ang lahat ay nakita ko siyang napa-iling at umirap pa yata siya
sa akin. Medyo nakaramdam ako ng konsensya dahil feeling niya yata ay napahiya
siya. Pero at some point natuwa ako, ang cute niya palang mainis, kanina pa ako
nagpapapansin sa kanya pero ngayon lang niya ako napansin.
(Janine’s Point of View)
Ano pa nga ba, edi napahiya na naman
ako. Binilisan ko na lang ang paglalakad
papunta sa upuan ko at bago pa ako naka-upo ay napalingon ako kay
Cedric. Napakaganda ng pangalan niya, bagay na bagay sa kanya. Tumingala naman
siya sa akin at ngumiti, nahiya pa ako at babawiin ko na sana ang tingin ko sa
kanya. Pero hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin at bigla ko na lang din
siya nginitian. Pagkaupo ko ay narinig ko siyang nagsalita. Kinabahan ulit ako
nang marinig ko ang kanyang boses, hindi ko alam kung bakit.
“Hayaan mo na yang si Zeke, ganyan lang yan talaga,
pilyo, pero mabait naman talaga siya.” Ang bawat salita niya ay
napaka-convincing, siguro pag sinabi niyang square ang buwan ay maniniwala ako
agad. Nakaka-akit, parang nanghihypnotize. Sa sinabi niyang iyon, parang ang
tagal na niyang kakilala si Zeke, na para bang napakalapit nila sa isa’t isa.
“Masasanay din ako” sagot ko. Ngumiti lang siya, at
muling nakinig sa nagsasalita sa harap. Si Clarisse na pala iyon, agad ko din
naman siyang pinakinggan at nagconcentrate habang nagsasalita siya. Pero hindi
ko mapigilang ngumiti, hindi nagsi-sink in sa akin ang pagpapakilala ni Clarisse
dahil ang nasa isip ko lang ay ang fact na kinakausap na ako ngayon si Cedric.
Napakasaya sa pakitamdam.
Natapos
na ang lahat nang mag-ring ang bell. Break time, tumayo agad si Cedric at hawak
hawak ang kahon ng tsokolateng nasa desk niya kanina. Biglang na lang may
instant kirot akong naramdaman, hindi ko maintindihan kung bakit. Kahit hindi
masyadong comfortable sa feeling ay tinanggap ko na lang na may pagbibigyan na
siya nun, gwapo naman talaga kasi siya, hindi imposible na magka-girlfriend
siya. Ang swerte naman ng babaeng iyon, sigurado akong swerte din si Ced sa
kanya, nai-imagine ko na napakaganda niya, mabait at mayaman din siguro. Tingin
ko wala na akong ibang magagawa kaya naman magiging masaya na lang ako para kay
Cedric at ititigil ang pagiilusyon ko.
Agad
naman akong niyaya ni Clarisse na sabay kumain, dahil nga bago pa lang ako at
hindi ko pa alam ang pasikot sikot sa campus kaya naman um-oo ako agad. Mabuti
na lang kasama ko ngayon si Clarisse, hindi ako magmumukhang ignorante na
parang nawawalang bata sa park. Bago kami bumili ay naghanap muna kami ng
table. Hindi pa ganoon kadami ang mga tao kaya naman nakahanap kami agad, umupo
kami atsaka nag-usap.
***
“Gutom na ako friend,
halika na bili na tayo.” Ang sabi niya matapos naming mapag-usapan ang nangyari
kanina sa classroom. Kung gaano nakakahiya ang magpakilala sa harap at kung
anong kahihiyan ang natanggap ko. Wala naman daw nakakahiya sa nangyari kanina,
ang sabi pa ni Clarisse, pero tingin ko talaga pinagtatawanan ako ng lahat. Dahil
kasi sa Zeke na yun e, pipili na nga ng pagtitripan ako pa, naku may araw din
yun sa akin.
Nagtungo
kami kung nasaan ang pila, bumili si Clarisse ng hotdog at iced tea tsaka
nagbayad, habang ako naman ay hindi pa makapili ng kakainin. Nagpaalam na
siyang mauuna sa table dahil baka mawala pa ang iniwan naming bag doon. Bago pa
matraffic ang pila ay kumuha na ako ng ensaymada, tsaka ko dinukot ang aking
wallet. Doon ko lang na-realize na naiwan ko nga pala yung wallet ko.
Napakamakakalimutin ko na nga talaga. Hayaan ko na nga, uutang na muna ako kay
Clarisse. Madami dami nang tao nun kaya hindi ko na masyadong makita si
Clarisse, balak ko pa sana siyang tawagin para hindi na ako pumila ulit. Wala
na akong magagawa, pipila na lang ulit ako mamaya.
“Ang tagal mo namang
magdecide…” nagsalita ang lalaki sa kaliwa ko. Familiar ang boses niya. “Ate
dalawa pong ensaymada, itong akin at yung sa katabi ko.” nilingon ko kung sino
ito at hindi nga ako nagkakamali, si Ezekiel.
“May pera ako no, hindi mo
ako kelangang ilibre.” Pagmamalaki ko naman, kahit alam kong wala akong dala
ngayon.
“Di nga? Naku miss wag ka
nang mahiya, ngayon lang yan, atsaka utang mo yan sa akin no.” ang sabi niya
habang kinukuha ang sukli niya. “Alam ko namang hindi mo dala yung wallet mo
ngayon e.” dagdag pa niya atsaka tumawa. Ang yabang talaga ng lalaking yun. Bago
ko pa matanggihan ulit ang alok niya ay bigla na siyang umalis. Nagkaroon pa
ako ngayon ng utang na loob sa kanya, nakakainis naman.
Bumalik
ako sa table namin ni Clarisse na nakakunot ang noo, hindi ko mapigilang
maibulalas ang aking damdamin. “Nakakainis talaga yung lalaking yon,
napakayabang!”
“Sino naman yang tinutukoy
mo?”
“Sino pa ba, edi yung
Ezekiel.”
Napatawa lang si Clarisse
at sabi “Naku Janine, masasanay ka din dun. Ganyan lang talaga si Zeke, pero
mabait talaga yan.”
“Pareho kayo ng sinabi ni
Cedric.” Nang mabanggit ko ang pangalan niya ay biglang natigilan si Clarisse
at nafeel kong nag-glow ang kanyang mukha.
“Nag-usap kayo ni Cedric?”
tanong niya.
“Nasabi lang niya yun
kanina dahil napansin niyang nainis ako dahil pinahiya ako ni Zeke.”
Nakaconcentrate lang sa
pakikinig sa akin si Clarisse.
“Hay naku, hayaan na nga
natin si Cedric, may girlfriend na nga yata yun e.” ang sabi ko naman, para
i-break ang ice.
“Ha?!” mabilis naman na
pag-react ni Clarisse. “Wala siyang girlfriend no.” Sa sinabi niyang iyon ay bigla
akong naliwanagan, parang nagkaroon ulit ako ng pag-asa. Nakinig lang ako sa
pagsasalita ni Clarisse.
“Hindi naman talaga ganun
si Cedric noon, masayahin siyang tao, madami din siyang barkada, close nga sila
noon nina Ezekiel e. Pero dahil nga iniwan siya ng girlfriend niya na pumunta
sa Amerika, naku yung babaeng yun, hindi ko talaga magets kung bakit siya
nagustuhan ni Cedric e.” Habang nagsasalita si Clarisse ay nakikita ko ang
panggigigil sa kanyang mukha. “Ayun nga, iniwan siya ni Jessica, hindi pa nga
yata siya nagpaalam kay Cedic, kaya naman nadepress siya. Ngayon lagi na lang
siyang mag-isa at laging mukhang seryoso. Nakaka-awa nga siya e.”
Sa pagkwentong iyon ni
Clarisse ay bigla kong naramdaman ang kalungkutang dinadala ni Cedric. “Kaya
pala siya ganun.” Ang sabi ko, tumungo lang si Clarisse, na bigla ding
nalungkot sa pagkukwento niya. Pero para saan yung dala niyang mga tsokolate
kanina? Baka may nililigawan siya ulit? O baka naman babalik yung Jessica?
“Hindi ko nga alam kung
bakit wala pa ring girlfriend ngayon si Cedric, kahit na siya pa ang
nililigawan ng mga babae… Pero seriously masaya akong wala pa rin siyang
girlfriend” napataas ako ng isang kilay sa sinabi niyang iyon. Nagtaka ako.
“Simula kasi nung maging single na ulit siya, lagi na siyang binibigyan ng kung
anu ano ng mga nagkakagusto sa kanya para mapansin sila.” Para akong nabunutan
ng napakalaking tinik sa dibdib nang sabihin iyon ni Clarisse. “Hindi pa rin
siguro siya maka-move on.” dagdag pa niya.
“Naku, buti na lang at
naibigay ko na kanina yung chocolates, sana lang ma-appreciate niya yun.”
Habang sinasabi iyon ni Clarisse ay tumingin siya sa malayo na para bang
nagde-day dream. “Kasi sigurado akong maya maya pa ay madami na siyang
matatanggap na mga letters o kung ano mang mga sweets jan, buti na lang at
secured na ako.” Ang sabi pa niya saka nagpakawala ng isang napakalaking ngiti.
Doon ko lang narealize na yung hawak pala na box of chocolates ni Cedric ay
galing sa kanya, isa din pala siya sa mga nagkakagusto kay Cedric.
“Pwede bang makiupo? Wala
na kasing available na table e.” parehas kaming napalingon ni Clarisse upang
tignan kung sino yung nagsalita. At kami nga ay parehong nagulat sa aming
nakita.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento