(Janine’s
Point of View)
Salamat
naman at nakasakay din ako. Tatlumpung minuto na yata akong naghihintay ng
masasakyang jeep. First day pa naman,
haggard na kaagad ako. Palibhasa lunes na lunes kung kayat unahan sa pagsakay
ang mga pasahero.
Ang
tagal ko na ngang naghintay, namalas pa ako sa nasakyan ko. Puno na itong jeep,
tigil pa ng tigil para magsakay ng pasahero. Anong akala naman ni manong
driver, lata ng sardinas itong jeep niya? Pang sampuhan lang to ah, bat sumobra
na sa dose ang nakaupo!
Magkano
na ba ang pamasahe ngayon sa jeep? Hindi na ako aware, hindi na kasi ako
nakakanood ng news, ilang price hikes na yata ang nagaganap ng hindi ako
nai-inform. Pero sigurado ako na ang student fare ay may 20% discount. 120.00
per day ang baon na binibigay sa akin. Ok na yun, kaya ko ng pagkasyahin, sanay
naman na ako e.
Kukunin
ko na sana ang aking wallet para magbayad ng pamasahe nang mapansin kong wala
lamang makapal ang bulsa ko. Saan naman kaya mapupunta yun? Panyo lang ang
nandito. Binuksan ko ang bag ko para hanapin yung wallet. Sh*t wala rin dito.
“Naku, nasan na yun!?.....”
Kinapa
ko ulit ng isa pang beses ang bulsa ko para i-make sure kung natangahan ko lang
kapain kanina, pero wala talaga yung wallet ko. Hinanap ko ulit sa bag ko, one
more time, umaasa pa rin ako. Pero wala talaga. Unti unti na akong natataranta.
Alam ko hindi na ako makakababa ng basta basta lang dahil nakalayo na ako mula
sa pinagsakyan kong lugar.
Hindi
ako mapakali at napansin kong unti unti na din akong pinagtitinginan ng mga
pasahero ng jeep sa ikinikilos ko. Kailangan kong mag relax.
Dahil
nga sa nakatingin sa akin ang mga ibang pasahero, nginitian ko na lang sila
para sabihing walang problema. Pero sa isip ko, bwisit na bwisit na ako. Bakit
ngayon ko pa kelangang marasanan to, badtrip naman oh.
“Miss, may problema ba?”