Huwebes, Abril 12, 2012

MISSunderstood: Chapter 3


(Zeke’s Point of View)

        Hindi ko na napigilan, bigla na lang lumabas ang mga salitang yun sa bunganga ko. Masyado akong nadala sa pakikinig sa kanya, at lahat nga ay napatingin sa akin, may ibang nagtataka, ang iba naman ay naghihintay ng ibabanat ko dahil inaakalang nantitrip lamang ako. Nakatingin ako sa kanya, kahit hindi siya nagsalita ay bakas sa mga mata niya na tila nagtatanong ang mga ito.
“Oh baka matunaw naman ako jan sa titig mo…” nagtawanan ang lahat nang magsalita ako. “Friendly lang talaga ako, kaya gusto kong makilala ang lahat, lalo na kung may crush pa siya sa akin.”
Habang nagkakantsawan ang lahat ay nakita ko siyang napa-iling at umirap pa yata siya sa akin. Medyo nakaramdam ako ng konsensya dahil feeling niya yata ay napahiya siya. Pero at some point natuwa ako, ang cute niya palang mainis, kanina pa ako nagpapapansin sa kanya pero ngayon lang niya ako napansin.

Biyernes, Abril 6, 2012

MISSunderstood: Chapter 2



(Zeke’s Point of View)


Bago ako pumunta sa classroom ay dumaan muna ako sa canteen. Hindi na ako nakapagbreakfast pa dahil na-late ako ng gising. Bumili ako ng tubig at isang pack ng hopia. Yun na kasi ang pinakamura. Papunta na ako sa classroom nang makita ko ang mga kabarkada ko. Wala ng pagdadalawang-isip at tumakbo ako papunta sa kung saan sila nagkukwentuhan.


“Oi!” pasigaw kong pagbati sa kanila habang busying busy sa kanilang kwentuhan. Nalingon naman sila agad sa akin, kitang kita ko ang pagkagalak sa kanilang mukha na para bang hindi nila ako nakita ng ilang buwan. E kasama ko lang sila nung isang araw na magbasketball sa may clubhouse ah. Pero iba nga naman talaga yung feeling na pasukan ulit. Parang hindi talaga kayo nagkita ng matagal. Siguro dahil na din sa pagkakataong ito ay nakasuot kami ng uniform ng bago at may dala-dalang bag na wala namang laman. “Anong pinagkaka-abalahan natin jan?”



Linggo, Abril 1, 2012

U



Tinatahak ko ang kahabaan ng Miguellin St. papunta sa tutuluyan kong bagong apartment. Hawak hawak ko ang isang malaking karton na pinaglagyan ng mga piling gamit ko. Kinailangan kong maghanap ng bagong malilipatan, nagkaroon kasi kami ng alitan ng may-ari ng dati kong inuupahan dahil sa bayaran.

1254. Unit U ang nakuha kong room. Iyon lang kasi ang libre noong nagcanvass ako ng apartment. Ilang minuto rin nang makarating ako sa building, binuksan ko ang gate at tinungo ang aking kwarto. Nasa ika-5 na palapag pa ito, may kataasan pero kinuha ko na din dahil malaki at hindi ganun kamahal. Ramdam ko na ang pagod at tagaktak na ang pawis sa buo kong katawan. Hinihingal na din ako. Pero kaunti na lang naman kaya nagpatuloy na ako sa pag-akyat. 

Pataas na ako sa ika-apat na hagdanan nang makita ko ang isang batang babae ang nakaupo sa tuktok ng mga baitang. Naglalaro siya ng manika. Nabaling ang atensiyon niya nang makita ako atsaka niya ako nginitian. Tila napawi ang pagod ko sa mala-anghel niyang ngiti kaya naman napangiti din ako sa kanya. Napakaganda niyang bata, at naging magaan agad ang loob ko sa kanya.





Huwebes, Marso 29, 2012

MISSunderstood: Chapter 1



(Janine’s Point of View)

Salamat naman at nakasakay din ako. Tatlumpung minuto na yata akong naghihintay ng masasakyang jeep.  First day pa naman, haggard na kaagad ako. Palibhasa lunes na lunes kung kayat unahan sa pagsakay ang mga pasahero.

Ang tagal ko na ngang naghintay, namalas pa ako sa nasakyan ko. Puno na itong jeep, tigil pa ng tigil para magsakay ng pasahero. Anong akala naman ni manong driver, lata ng sardinas itong jeep niya? Pang sampuhan lang to ah, bat sumobra na sa dose ang nakaupo!
Magkano na ba ang pamasahe ngayon sa jeep? Hindi na ako aware, hindi na kasi ako nakakanood ng news, ilang price hikes na yata ang nagaganap ng hindi ako nai-inform. Pero sigurado ako na ang student fare ay may 20% discount. 120.00 per day ang baon na binibigay sa akin. Ok na yun, kaya ko ng pagkasyahin, sanay naman na ako e.

Kukunin ko na sana ang aking wallet para magbayad ng pamasahe nang mapansin kong wala lamang makapal ang bulsa ko. Saan naman kaya mapupunta yun? Panyo lang ang nandito. Binuksan ko ang bag ko para hanapin yung wallet. Sh*t wala rin dito.
“Naku, nasan na yun!?.....” 

Kinapa ko ulit ng isa pang beses ang bulsa ko para i-make sure kung natangahan ko lang kapain kanina, pero wala talaga yung wallet ko. Hinanap ko ulit sa bag ko, one more time, umaasa pa rin ako. Pero wala talaga. Unti unti na akong natataranta. Alam ko hindi na ako makakababa ng basta basta lang dahil nakalayo na ako mula sa pinagsakyan kong lugar.
Hindi ako mapakali at napansin kong unti unti na din akong pinagtitinginan ng mga pasahero ng jeep sa ikinikilos ko. Kailangan kong mag relax.
Dahil nga sa nakatingin sa akin ang mga ibang pasahero, nginitian ko na lang sila para sabihing walang problema. Pero sa isip ko, bwisit na bwisit na ako. Bakit ngayon ko pa kelangang marasanan to, badtrip naman oh.
“Miss, may problema ba?”


MISSunderstood: PROLOGUE



Ano pa nga ba ang magagawa ko? I was left with no choice. Ang alam ko lang kailangan kong gawin to, kailangan kong iwan ang pag-aaral ko dito. Kasama na ang mga kaibigan ko, itong bahay kung saan ako lumaki, in short kailangan kong iwan lahat.
Paano ba naman kasi, kung kelan ako gagraduate saka pa aalis si mama papuntang abroad para magtrabaho. Hindi ko naman kayang buhayin ang sarili ko mag-isa dito. Kailangan ko tuloy pumunta kay lola sa probinsya para doon ipagpatuloy ang pag-aaral.
Kahit naman umangal pa ako, nakapagdesisyon na. Wala na akong magagawa.

Hinatid ako ni mama papunta kina lola. Tinatahak namin ang kahabaan ng North Luzon Expressway nang magpagdesisyunan naming tumigil muna sa Shell of Asia para kumain. Pagkatapos ay patuloy na kaming bumyahe papunta sa La Union.
Nakikita ko ang dagat mula sa bintana, ang napakadaming puno sa paligid, mga parte ng palayan sa kabilang parte ng kalsada, tanda na malapit na kami sa patutunguhan namin.
Sa haba ng byahe naming ay naisip ko na yata lahat ng posibilidad sa kung ano ang mga pwedeng mang-yari.